Monday, 9 April 2012

BATANG BATIBOT

Mga Bagay na nakaukit sa isipan ko tungkol sa Batibot: 
1. Ba-be-bi-bo-buuu ni Manang Bola.
2. Si Ate Ning-ning at ang makulit na si Ging-ging.
3. Kuwento ni Ate Sienna at Kuya Bogie.
4. Munting away ni Pong Pagong at Kiko Matsing.
5. Kaweirdo-han ng dalawang aliens na si Sitsiritsit at Alibangbang.
6. Mababang lipad ng reddish na si Kapitan Basa.
7. Hugis, Kulay at Letra habang kinakanta.

Mga Kanta na Binibirit ko ng buong puso:
"Ako ang kapitbahay, kapitbahay niyo, laging handang tumulong sa inyo,
Kilala niyo ako, Kilala niyo ako, ako'y isa sa kapitbahay, kapitbahay, ninyo."

"Tubig ulan ... tubig ulaaaan.... (excerpt from Bangkang Papel)

Higit sa lahat... "Pag-gising sa umaga laging nakatawa sa Batibot..."

Tuwing alas-diyes, nagka-kandarapa na akong buksan ang jurrasic naming TV sa bahay ni lola, sabay salampak sa papag habang nguma-ngata ng Bazooka gum... Naisip ko simple lang naman talaga ang buhay. Ginagawa lang nating komplikado. -CMK.


Share:

No comments

Post a comment

© callmekristine | All rights reserved.
Blog Layout Created by pipdig