"Pag-ibig anaki'y aking nakilala,
'di dapat palakihin ang bata sa saya;
at sa katuwaa'y kapag namihasa,
kung lumaki'y walang hihinting ginhawa."
'di dapat palakihin ang bata sa saya;
at sa katuwaa'y kapag namihasa,
kung lumaki'y walang hihinting ginhawa."
"Sapagkat ang mundo'y bayan ng hinagpis,
namamaya'y sukat tibayan ang dibdib;
lumaki sa tuwa'y walang pagtitiis ...
anong ilalaban sa dahas ng sakit?"
namamaya'y sukat tibayan ang dibdib;
lumaki sa tuwa'y walang pagtitiis ...
anong ilalaban sa dahas ng sakit?"
"Ang taong magawi sa ligaya't aliw,
mahina ang puso't lubhang maramdamin;
inaakala pa lamang ang hilahil
na daratni'y 'di na matutuhang bathin."
mahina ang puso't lubhang maramdamin;
inaakala pa lamang ang hilahil
na daratni'y 'di na matutuhang bathin."
"Para ng halamang lumaki sa tubig,
daho'y malalanta munting 'di madilig;
ikinaluluoy ang sandaling init;
gayundin ang pusong sa tuwa'y maniig."
daho'y malalanta munting 'di madilig;
ikinaluluoy ang sandaling init;
gayundin ang pusong sa tuwa'y maniig."
"Munting kahirapa'y mamalakhing dala,
dibdib palibhasa'y 'di gawing magbata,
ay bago sa mundo'y walang kisapmata,
ang tao'y mayroong sukat ipagdusa."
dibdib palibhasa'y 'di gawing magbata,
ay bago sa mundo'y walang kisapmata,
ang tao'y mayroong sukat ipagdusa."
"Ang laki sa layaw karaniwa'y hubad
sa bait at muni't sa hatol ay salat;
masaklap na bunga ng maling paglingap,
habag ng magulang sa irog na anak."
sa bait at muni't sa hatol ay salat;
masaklap na bunga ng maling paglingap,
habag ng magulang sa irog na anak."
No comments
Post a Comment